PNP Chief, nanawagan sa grupo ni Rep. Satur Ocampo na subject ng arrest warrant na sumuko na lang

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief PDG Oscar Albayalde sa grupo ni Satur Ocampo na may outstanding arrest warrant sa kasong murder, na sumuko na lang sa mga autoridad.

Ang panawagan ay ginawa ng PNP chief sa kanyang regular Monday press conference sa Camp Crame matapos i-anunsyo na natanggap na ng PNP ang kopya ng arrest warrant na inilabas ng korte.

Sinabi ni Albayalde na inatasan na niya ang CIDG na magpalabas ng mga pangkat para agarang ipatupad ang arrest order na inisyu ni Honorable Evelyn Atienza Turla, presiding judge ng RTC Branch 40 ng Palayan City.

Binigyang-diin ni Albayalde na hindi ginigipit ng PNP ang grupo ni Ocampo at tapapagpatupad lang sila ng kautusan ng korte.

Si Representative Satur Ocampo, dating NAPC Chair Liza Maza. Rep. Teodoro Casiño, dating DAR Sec. Rafael Mariano, Vicente Cayetano, Delhn Pimentel at Emeterio Antalan ay akusado sa pagdukot at pagpatay sa tatlong miyembro ng kalabang party-list na AKBAYAN sa tatlong magkakahiwalay na insidente.  | ulat ni Leo Sarne