PNP Chief nagpasalamat sa mga rally organizer sa maayos na pagtitipon sa SONA ng Pangulo

Pinasalamatan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mga lider at organizer ng iba’t ibang grupo na nagsagawa ng kilos protesta kahapon sa araw ng panghuling SONA ng Pangulo.

Ayon sa PNP Chief pangkalahatang naging mapayapa ang mga pagtitipon kahapon at walang untoward incident o pag-aresto na naganap Sa Metro Manila.

Ikinatuwa ni Eleazar na nanaig ang matinong pag-iisip ng mga protesters at kusang nag-disperse sa takdang panahon.

Malinaw aniya na nangibabaw parin ang interes ng public health at safety kaysa sa politika.

Ayon kay Eleazar, umabot din sa tatlong libo ang mga nakilahok sa mga kilos protesta sa UP at sa Commonwealth area.

Mayroon din aniyang naobserbahan na mga pagkilos ang iba’t ibang Police Regional Offices sa ilang mga malalaking lungsod sa iba’t ibang panig ng bansa pero hindi naman nakaabala sa normal na kalakaran.