PNP Chief, nagpahayag ng kumpiyansa kay Usec. Eduardo Año na pormal na uupo bilang DILG OIC ngayong hapon

Nangako aniya si Usec. Año na tutulong para mapaganda ang imahe ng Philippine National Police, kasunod ng mga kontrobersyang kinasangkutan ng PNP noong nakaraang taon.

Nagpahayag ng kumpiyansa si PNP Chief PDG Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pamumuno sa DILG ni dating AFP Chief at ngayo’y DILG Undersecretary Eduardo Año.

Ayon kay Dela Rosa nakapag-usap na sila ni Usec. Año matapos siyang italagang OIC ng DILG ni Pangulong Duterte, kapalit ni DILG Usec Catalino Cuy.

Nangako aniya si Usec. Año na tutulong para mapaganda ang imahe ng Philippine National Police, kasunod ng mga kontrobersyang kinasangkutan ng PNP noong nakaraang taon.

Hindi naman tinukoy ni Dela Rosa kung ano ang partikular na paraan na gagawin ni Usec. Año para mapaganda pa ang imahe ng PNP.

Ngayong hapon isasagawa ang formal turnover ceremony ng pamunuan ng DILG mula kay Usec. Cuy tungo kay Usec. Año.

Si Usec. Cuy ay hinirang naman ng Pangulo bilang bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board. | via Leo Sarne