PNP Chief, nag-ikot sa ibat-ibang tanggapan ng PNP sa bisperas ng kanyang pagbaba sa pwesto

Inikot ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang iba’t-ibang tanggapan ng PNP na naging makabuluhan sa kanyang termino bilang PNP Chief, sa bisperas ng pagaba niya sa pwesto.

Ayon kay Dela Rosa ang mga unit na ito ay naging source ng kanyang mga “highs and lows” sa kanyang isang taon at siyam na buwang panunungkulan bilang PNP Chief.

Kabilang dito ang Counter Intelligence Task Force, PNP Drug Enforcement Group na dating Anti-illegal Drugs Group at Caloocan PNP.

Una nang sinabi ni Delar Rosa na isa sa lowest points ng kanyang career ang pagakakamatay ni Kian Lloyd Delos Santos na umano’y kinasangkutan ng mga pulis Caloocan na naging dahilan sa pagkakasibak sa buong pwersa ng Kalookan PNP.

Nagdulot din aniya ng matinding kahihiyan para sa kanya ang pagkakapatay sa Korean National na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng Camp Crame ng mga tiwaling tauhan ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group, na muntik nang naging dahilan ng kanyang pagre-resign.

Pero ang Jee Ick Joo case naman ang naging dahilan ng pagkakatatag ng Counter intelligence Task Force, para tugisin ang mga tiwaling pulis, na naging isa sa mga inspirasyon ng internal cleansing program ng PNP.

Si Dele Rosa ay nakatakdang bumaba sa pwesto ngayong araw na ito kasabay ng pag-upo ng bagong PNP chief na si Director Oscar Albayalde. | via Leo Sarne