PNP Chief, magtutungo ng Batangas para makiramay sa mga pamilya ng dalawang pulis na napatay sa engkwentro noong nakaraang linggo

Magtuntungo ngayong araw si PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa Batangas para makiramay sa mga pamilya ng dalawang pulis na napatay sa enkwentro noong nakaraang Huwebes.

Ang mga nasawing pulis ay sina PSInsp Alvin Kison, miyembro ng Intelligence Division ng Batangas PNP na kabilang sa PNPA Class 2014, at si SPO2 Edilberto Eje, miyembro ng Laurel PNP.

Ang dalawang pulis ay napatay matapos na manlaban ang tinutigis nilang grupo ng mga kriminal sa Brgy. Berinayan, Laurel, Batangas noong Huwebes.

Base sa imbestigasyon, nagsasagawa ng surveillance ang grupo ni Capt. Kison kasama ang mga miyembro ng lokal na pulisya sa lugar nang matunugan ng mga suspek ang kanilang presensya.

Nagkaroon ng habulan na tumuloy sa pagpapalitan ng putok na nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang pulis at dalawa sa mga suspek na kinilala namang sina Erwin B. Ariola at Darren Suarez na kapwa miyembro ng robbery ‘holdap’ group. | via Leo Sarne