PNP Chief, inanyayahan ang mga magulang na ipasok ang kanilang mga anak sa PNP Summer Sports Training and Recreational Program

Inanyayahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga magulang na ipasok ang kanilang mga anak sa PNP Summer Sports Training and Recreational Program.

Sa paglulunsad ng programa kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na libre ang programa sa lahat ng bata kahit na hindi mga anak ng pulis at non-uniformed personnel.

Maganda aniya itong pagkakataon para masanay sa iba’t ibang sports ang mga kabataan upang mayroon silang mapaglibangan ngayong summer vacation sa halip na pakalat-kalat lang sa mga lansangan.

Ipinagmalaki ni Dela Rosa ang tagumpay ng programa na nakapag-produce ng 25 national champions sa iba’t ibang larangan.

Bukod pa aniya sa pag-excel sa sports, ang mas mahalaga aniya ay matuto ang mga bata ng disiplina at ma-boost ang kanilang self-confidence. | via Leo Sarne

Photo courtesy: Philippine National Police FB Page