PNP Chief, dadalo sa 39th ASEANAPOL sa Vietnam  

Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde ang 20-kataong delegasyon ng Pilipinas sa ika-39 na ASEAN Association of Chiefs of Police o ASEANAPOL Conference.

Ang kumperensya ay isasagawa sa Hanoi,  Vietnam simula ngayong araw Setyembre 16 hanggang Setyembre 20.

Sa naturang kumperensya, ipiprisinta ni Albayalde ang “country paper” ng PNP tungkol sa transnational crime, kabilang ang mga hakbang sa pagpapalakas ng kooperasyon ng mga international police forces kontra sa transnational syndicates.

Ang PNP delegation ay lalahok sa sesyon ng tatlong Conference Commissions para talakayin Ang “illicit drug trafficking, terrorism, arms smuggling, trafficking in persons, maritime fraud, commercial crime, cybercrime, fraudulent travel documents, transnational fraud, ASEANAPOL Database System, mutual assistance on criminal matters, exchange of personnel and training programs, at ang ASEANAPOL Forensic Science Network.

Kasama din sa delegasyon si PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac.

Si P/Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, PNP Deputy Chief for Operations, ang itinalagang Officer in Charge ng PNP habang wala si Albayalde sa bansa.