PNP Chief, binati ang 17 PNP bar passers

Ipinaabot ni Philippine National Police (PNP) Chief POlice Director General Oscar Albayalde ang pagbati ng buong hanay ng PNP sa labing pitting (17) bagong Abogado ng PNP.

Ang mga ito ay kabilang sa mga nakapasa sa huling bar examination, na kinilala sa flag raising ceremony sa Camp Crame ngayong umaga.

Sinabi ni Albayalde na tatlo (3) sa mga bar-passers ng PNP ay mga opisyal, labing tatlo (13) ang non-commissioned officer, at isa ang non-uniformed personnel.

Ayon sa PNP chief, kailangan na kailangan ng PNP ng mga magagaling na abogado para maisulong ang kampanya kontra droga.

Sinabi ni Albayalde, na inaasahan niyang magiging tapat parin sa serbisyo ang mga bagong abogado, at mananatili sa PNP sa kabila ng mas mataas na sahod ng mga abogado sa pribadong sektor. | via LeoSarne