PNP Chief Bato dela Rosa, inspirasyon ng Indonesian National Police sa kampanya kontra droga, ayon sa Indonesian Chief of Police

PNP Chief Bato dela Rosa, inspirasyon ng Indonesian National Police sa kampanya kontra droga, ayon sa Indonesian Chief of Police

Nagsilbing inspirasyon ng Indonesian National Police si PNP Chief PDG Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagpapatupad ng anti-drug campaign.

Ito ang inihayag ni Indonesian National Police Chief, Police General Tito Karnavia, matapos Gawaran ng pinakamataas na Bintang Bhayangkara Utama o Medal of Honor si Dela Rosa sa Jakarta, Indonesia kahapon.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Dela Rosa sa Pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo, at kay Police General Karnavia, sa iginawad sa kanyang parangal na nangangahulugang “the ultimate defender of peace and the ultimate protector of the people”.

Ito ang unang pagkakataon na iginawad sa isang banyaga ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng estado ng Indonesia.

Sinabi ni Dela Rosa na doble ang pagpapahalaga niya sa parangal dahil ito’y itinuturing niyang isang Valentine’s Day gift.

Dagdag ni Dela Rosa, ang parangal ay magsisilbing inspirasyon sa kanya upang lalong pagbutihin ang kampanya kontra iligal na droga sa nalalabing panahon ng kanyang termino bilang PNP chief. | via Leo Sarne