PNP Chief at NCRPO Dir. Eleazar, dumalo sa midnight mass bago ang pagsisimula ng prusisyon

Dumalo si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar sa midnight mass sa Quirino Grandstand kaninang hatinggabi.

Ito ay bago ang pagsisimula ng anim na kilometrong prusisyon ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church ngayong alas-4:00 ng umaga.

Si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang nag-celebrate ng misa na dinagsa ng mga deboto na nakilahok sa tradisyunal na pahalik sa Itim na Nazareno.

Una nang sinabi ng PNP chief na umaasa siya na magiging mapayapa at maayos ang Traslacion sa taong ito, kung saan “zero casualties” ang target ng PNP.

Tiniyak naman ni NCRPO Director Eleazar na handa na ang 7,200 pulis na ide-deploy ng PNP para matiyak ang kaligtasan ng inaasahang 2.1 milyong deboto na lalahok sa taunang prusisyon.  | ulat ni Leo Sarne