PNP Chief Albayalde, tatapusin ang kanyang termino

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde na tatapusin niya ang kanyang termino hanggang sa Nobyembre 8.

Ito ang inihayag ng PNP chief, sa gitna ng panawagan na magbitiw siya sa pwesto matapos na maiugnay sa isyu ng pagrerecycle ng droga ng kanyang mga dating tauhan sa Pampanga PNP noong 2013.

Una nang sinabi ni Albayalde, na ipauubaya na niya sa Pangulo ang kanyang kahihinatnan.

Sinabi ni Albayalde, na nagsalita na rin ang Pangulo at malinaw aniya na nananatili pa ang tiwala ng Pangulo sa kanya.

Dagdag pa niya, hanggang sa mga oras naman na ito, ay wala pang napipiling susunod na Chief PNP ang Pangulo kaya itutuloy niya lang ang kanyang pagseserbisyo.