PNP Chief Albayalde, pinagkakatiwalaan pa rin ng Pangulo

Nananatili ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay PNP Chief General Oscar Albayalde.

Ito ay sa gitna nang paglutang ng impormasyon mula kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na mayroong isang high ranking official sa Philippine National Police (PNP) ang pumo-protekta sa subordinates nito na konektado sa iligal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nananatili ang posisyon ng Pangulo na hangga’t hindi pa napapatunayang sangkot sa ilegal na gawain ang isang indibidwal ay mananatili itong inosente.

Gayunpaman, sa oras na mapatunayang sangkot ang sinoman sa gawain ng mga ninja cops ay hindi ito palalampasin ng Pangulo.

Maliban sa pagkakasibak sa pwesto ay posible ring maharap ang mga ito sa criminal charges.