Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) Director-General Oscar Albayalde ang pagkakatalaga kay M/Gen. Macairog Sabeniano Alberto bilang bagong commanding general ng Philippine Army.
Ayon sa PNP chief, nais niyang i-congratulate si Alberto na kasama niya sa Philippine Military Academy (PMA) Class of 1986, na biro niya, ang pinaka-magaling na klase na na-prodyus ng akademya.
Anya, karapat-dapat ito para sa naturang pwesto dahil masipag at mabait.
Pormal nang mag-a-assume sa pwesto ngayong araw si Alberto at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa Change of Command Ceremony na gaganapin ngayong alas-3:00 ng hapon sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Papalitan ni Alberto si outgoing Army Commanding General Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista na magreretiro na sa serbisyo. | ulat ni Ched Oliva