PNP Bicol, handa na mapanatili ang kaayusan sa paghahain ng COC

Normal ang sitwasyon sa buong Bicol sa simula ng filing ng Certificate of Candidacy (COC)  ngayong araw ayon kay Police Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib,  tagapagsalita ng PRO5.

Sinabi din niya na handang-handa ang bawat unit ng Philippine National Police (PNP) para tumugon sa hiling ng local Commission Election (Comelec) offices sakaling may problema o gulo sa kanilang tanggapan sa panahon ng filing ng COC.

Aniya masusing pagbabantay ang ginagawa ng pulisya. Pinaigting din ang  police visibility at naglagay ng dagdag na check points sa kanilang nasasakupang lugar.

Kaugnay nito,  sinabi ni Comelec Bicol Asst. Regional Director Romeo Serrano na maagang nagbukas ang mga tanggapan ng komisyon sa buong rehiyon. Nakahanda rin ang lahat ng forms na gagamitin at office supplies, at  higit sa lahat ang kanilang mga tauhan sa field. | ulat ni Nancy Mediavillo