PMA cadet, namatay sa Fort Del Pilar

Namatay ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) matapos itong magsuka sa loob ng barracks sa Fort Del Pilar, Baguio City.

Kinilala ang kadete na si Darwin Dormitoryo, 20 taong gulang na tubong Cagayan de Oro City.

Batay sa inisyal na report, idinaing ni Dormitoryo ang pagkasakit ng tiyan kaya naisugod pa siya sa ospital bago ito namatay.

Sa isang statement, ipinaabot ng pamunuan ng PMA ang kanilang pakikisimpatya sa pamilya ng biktima.

Ayon kay Major Reynan Afan, tagapagsalita ng PMA, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon para matiyak ang sanhi ng pagkamatay ng kadete.

Tiniyak din ng opisyal na ang maayos na kalagayan ng mga kadete ang pangunahing konsiderasyon sa lahat ng aspeto ng pagsasanay ng mga kadete.