Plebisito sa North Cotabato, nagsimula nang maayos – AFP

Nagsimula nang maayos ang plebisito sa North Cotabato.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, alas-8 ng umaga nagbukas ang mga polling center sa Aleosan, Pikit, Midsayap, Pigkawayan, Tulunan, Carmen, Kabacan, sa North Cotabato.

Sa mga oras na ito aniya ay walang naiuulat na anumang negatibong insidente.

Kasalukuyan ding nasa North Cotabato si Philippine Army 6ID Commander Major General Cirilito Sobejana, para personal na i-supervise ang plebisito sa lalawigan.

Ayon sa heneral, naideliver nang maayos ang lahat ng election paraphernalia, at walang iniulat na umabsent sa mga miyembro ng plebiscite committee, na nagsisilbing election tellers. | ulat ni Leo Sarne