Plaza na ipapangalan sa katipunerong si Apolonio Samson, gagawin ng QC gov’t bilang pagkilala dito

Bilang pagpugay sa isang makabayan na tumulong para pondohan ang isang revolutionary movement laban sa Spanish regime noon, isang plaza ang gagawin sa isang barangay na ipinangalan sa kanya sa Quezon City.

Pormal nang inanunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang planong ito kasabay ng ika-102nd Anniversary ng Barrio Kangkong sa Balintawak, Quezon City na mas kilala ngayon bilang Barangay Apolonio Samson.

Bukod sa pagiging isang lieutenant o tenyente ng Philippine revolutionary forces, kilala si Apolonio Samson na nagbahagi ng kanyang yaman para pondohan ang ganap na pagbabago ng bansa.

Bise-alkalde lamang ang alkalde, pangarap na nitong gawin ang plaza bilang pagkilala kay Apolonio Samson.

Aniya kahanay na ni Apolonio Samson sina Tandang Sora, Andres Bonifacio, at Jose Rizal na makabayan at mapagmahal sa inang bayan.

Nakatakda nang magpasa ng resolution ang city government para gawing plaza ang isang lugar na nasa likurang bahagi ng barangay hall ng Apolonio Samson.

Base sa kasaysayan, sa Barrio Kangkong ginawa ng mga katipunero ang pagpaplano para sa pag-aaklas laban sa mga Espanyol.