Planong pagbuo ng isang anti-illegal recruitment task force, suportado sa Senado

Tinukoy ni Senador Recto ang rekomendasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagtatatag ng isang inter-agency anti-illegal recruitment task force para sa pagseguro na ang mga nahuhuling illegal recruiters ay nakakasuhan at nakukulong.

Suportado ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang planong pagbuo ng isang anti-illegal recruitment task force upang mas mapalakas ang kampanya laban sa illegal recruitment.

Tinukoy ni Senador Recto ang rekomendasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagtatatag ng isang inter-agency anti-illegal recruitment task force para sa pagseguro na ang mga nahuhuling illegal recruiters ay nakakasuhan at nakukulong.

Sa ngayon, sinabi ni Recto na ang mga kaso sa anti-illegal recruitment ay parating mas mababa kaysa sa 50 porsyento, na dahilan na ang mga illegal recruiters ay nakapagtatayo muli ng panibagong tanggapan o opisina kahit na sila’y nakasuhan na.

At kahit libo-libo ang reklamo at nagiging biktima, ang average kada taon na bilang ng nahuhuli na illegal recruiter ay mga 40 lang sa loob nitong nakaraang anim na taon o simula noong 2004 hanggang 2010, diin ni Recto. | via Jojo Ismael