Planong pag-angkat ng bansa ng diesel mula Russia, umuusad na — MalacaƱang

Kinumpirma ngayon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na umuusad na ang hakbangin ng pamahalaan upang umangkat ng krudo sa Russia.

Ayon kay Roque, nagkausap sila kagabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi at sinabi aniya nito sa kaniya na may inisyatibo na ang PNOC para sa importasyon ng diesel sa Russia na isang non-OPEC member country.

Papatak lang aniya ng $25 hanggang $27 dolyar kada bariles ang presyo ng krudo mula sa Russia kasama na ang freight cost at insurance.

Gayunpaman, kailangan pa aniyang idaan sa proseso ang ii-import na diesel sa Russia upang maging akma sa kaildad ng diesel na binibili ng mga kumpanya ng langis sa bansa mula sa pandaigdigang merkado.

Kung matutuloy ang pag-angkat ng murang diesel sa Russia, ginarantiya ni Roque na sa mababang presyo din makukuha ng Filipino consumers ang nabanggit na produktong petrolyo. | via Alvin Baltazar