Pitong hinihinalang NPA, patay sa operasyon ng PNP sa Antique

Pitong New People’s Army (NPA) terrorists ang patay matapos na mauwi sa engkwentro ang dapat sana ay pagsisilbi lamang ng warrant of arrest sa Antique.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 6 Director C/Supt. John Bulalacao, magsisilbi sana ng arrest warrant sa kasong frustrated murder ang mga pulis ng San Jose Municipal Police Station laban sa mga suspek na sina Jason Talibo alyas “Bebe” at Joven Ceralvo alyas “Lex,” pasado alas-dose ng hatinggabi kagabi.

Pero hindi pa man anya nakalalapit sa bahay ng target, hinagisan na ang tropa ng granada at pinaputukan ng mga suspek na tumuloy sa 30 minutong palitan ng putok.

Wala naman aniyang nasaktan sa panig ng pwersa ng pamahalaan, pero may nakatakas aniyang ilang kasahaman ng mga napatay na suspek

Narekober mula sa mga nasawi ang ilang dokumento ng pangingikil umano ng NPA. | ulat ni Leo Sarne

Photo courtesy: PRO-6