Pinsala sa sunog sa Brgy. Ugong Norte sa QC, abot ng kalahating milyon — BFP

Umaga na kanina ng ganap na maapula ang sunog na sumiklab sa isang malaking bahay sa #9 Giraffe Street Barangay Ugong Norte, Quezon City.

Ayon kay fire Chief Insp. Jose Felipe Areza ang commander ng Eastwood Fire Station, nagsimula ang sunog sa guest room na nasa unang palapag ng bahay na nasa 4,000 square meters na lote.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay pa ang limang katabing mga kwarto.

Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang Mariane Vargas.

Tinatayang nasa kalahating milyong pisong halaga ng kagamitan ang tinupok ng apoy na nagsimula bandang alas-3:46 ng madaling araw kanina.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.  | ulat ni Rey Ferrer