Pinakaunang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 sa Davao Region, nagnegatibo na

Nagnegatibo na ang unang pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Rehiyon Onse.

Ayon kay Davao Regional Medical Center (DRMC) Infectious Disease Specialist and head of Emerging and Re-emerging Infectious Disease Control Team, Dr. Mitzie Lou Osabel nagnegatibo ang resulta sa ikalawang swab testing sa 21-taong gulang na pasyente mula Pantukan sa probinsya ng Davao de Oro.

Ayon pa sa opisyal, naka-recover si PH130 kaya nakatakda na itong makalabas mula sa hospital ngayong araw.

Samantala, pito sa siyam na Patients Under Investigation (PUI) sa Davao de Oro ang nagnegatibo rin sa test at nakarecover na sa symptom.

Nakatakda na ring makalabas sa pagamutan ang pitongĀ  PUIs.