Pinakamababang inflation rate na 5. 1% na naitala ng PSA bago ang pagtatapos ng 2018, ikinatuwa ng Palasyo

Ikinatuwa ng MalacaƱang ang patuloy na pagbaba ng inflation rate, na bago ang pagtatapos ng 2018 ay naitala lamang sa 5.1 percent, base na rin sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito na ang pinakamababang naitalang inflation rate magmula noong June 2018 na nakapagtala noon ng 5.2%.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malaki ang kinalaman ng inilabas na Administrative Order No. 13 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbaba ng inflation rate, na nagpapaikli ng proseso sa pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng bigas.

Bukod pa dito ang pag-iisyu ng Memorandum Order Nos. 26, 27 at 28, na nakatulong upang maging matatag ang presyo ng agriculture at fishery products, at matiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa merkado.

Sa harap nito’y sinabi ni Panelo, na hindi nagpapakampante ang pamahalaan gayung mananatili nakabantay ang gobyerno sa pagmomonitor ng mga pangunahing bilihin, at magpapatupad ng mga hakbangin para mapagaan ang kabuhayan ng mamamayan. | ulat ni Alvin Baltazar