Pinakahuling datos ng DOH sa COVID-19, isinapubliko

Sa pinakahuling datos ng DOH, umabot na sa 313,303 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa buong bansa.

Ngayong araw ay naitala ng DOH ang panibagong 226 na gumaling sa COVID-19 virus.

Ang aktibong kaso naman ay nasa 42,191.

Ang kabuoang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay nasa 6,675 makaraang makapagtala ng 26 na pagkasawi ngayong araw.

Samantala, ang mga Overseas Filipinos na gumaling sa COVID-19 ay 7,201 makaraang makapagtala ng tatlong panibagong kaso ngayong araw at dalawang recovery.

Sa kabuoang kaso sa hanay ng mga Pinoy na matatagpuan sa 81 mga bansa ay pumalo sa 11,152 at ang aktibong kaso dito ay 3,139

Sa ngayon ay walang naitalang bagong Pinoy na namatay sa abroad sanhi ng COVID-19.