Pinaiimbestigahang ‘excessive charges’ na ipinapataw umano ng international shipping lines, ipinapatigil ng DTI

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa lahat ng international shipping lines na itigil ang diumano’y sobra-sobrang singil sa pag-export at pag-angkat ng mga kargamento at produkto sa Pilipinas.

Ang pahayag ay ginawa ni DTI Secretary Ramon Lopez sa gitna nang sinimulang imbestigasyon ng Philippine Competition Commission (PCC) sa ‘excessive charges’ na ipinapataw raw ng mga shipping lines na apektado ang exporters at importers.

Ayon kay Secretary Lopez, patuloy na maghahanap ng mga paraan ang kagawaran upang matigil ang tinawag na ‘unfair practice’ at upang makapagbigay ang gobyerno ng solusyon sa ikabubuti ng mga lokal na kumpanya.

Sabi pa ng kalihim, makikipag-ugnayan rin ang DTI sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang imbestigahan ang mga hindi nababayarang buwis ng mga foreign carriers mula sa paniningil ng sobrang taas na shipping fees.

Kaugnay nito,¬†‘welcome development’ para sa DTI ang mabilis na aksyon ng PCC sa kanilang reklamo na imbestigahan ang nabanggit na usapin.

Sa isang pulong ng mga opisyal ng dalawang ahensya, inilatag ang isang pag-aaral¬† na kung saan posibleng matanggal ang shipping fees at iba pang bayarin dahil kung tutuusin ay pwede naman itong ikonsidera na bahagi ng tinatawag na foreign carriers’ operations sa ilalim ng freight costs.

Napag-uspaan pa sa diskusyon na may negatibo itong epekto sa pagiging ‘competitive’ ng Philippine exporters at domestic producers hanggang sa Pinoy consumers na kailangan ding magbayad ng mahal para sa binibiling produkto dahil naipapasa ang import cost sa kanila. | ulat ni Shane Juan