Pimentel, magsasampa ng kaso laban sa mga taong nag-organisa ng hindi awtorisadong pagtitipon gamit ang pangalan ng PDP-Laban

Sinabi ni Senador Koko Pimentel, pangulo ng PDP-Laban, na pinag-aaralan na nila ngayon ang pagsasampa ng kaso sa mga taong nag-organisa ng hindi awtorisadong pagtitipon na gamit ang partido o ang PDP-Laban kamakailan.

Bagama’t ayaw nang bigyan pa ng importansya ang nasabing hinsi awtorisadong pagtitipon, sinabi ni Pimentel kailangang proteksyunan naman ang pangalan ng partido sapagkat maaari umanong makasira ito lalo na sa international ‘memo of cooperation’ na nabuo at ng mga international allies ng PDP-
Laban.

Ayon kay Pimentel, ang pagtitipon ay nakasira sa partido at sa ilang tao na maaaring nabiktima tulad ng nahingan ng pera at iba pa.

Tinukoy ni Pimentel na malinaw na pinagkagastusan nang malaki ang pag-organisa ng naturang event, ibig sabihin ay may financier.

Aminado si Pimentel na posibleng may ilang miyembro o mga expelled na kasapi sa partido ang kasama sa pag-organisa ng nasabing pagtitipon pero kanyang nilinaw na hindi ito awtorisado  at walang basbas mula sa liderato ng PDP-Laban.

Ginamit pa umano ang pangalan ni Special Assistant to the President  Secretary Bong Go na wala naman sa event.

Ayon kay Pimentel, kanyang nakausap si Secretary Go at sinabi ng kalihim na wala silang kinalaman sa nasabing pagtitipon at ng mga nangyari roon.  | ulat ni Jojo Ismael