Pilipinas, nakapag-administer na ng mahigit 118 million na COVID-19 vaccine

Pumalo na sa 118.9 million ang kabuuang COVID-19 vaccines ang na-administer ng Pilipinas hanggang nitong January 16, 2022.

Sa presentasyon ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa House Committee on Health, tinukoy nito na 58.8 million dito ang first dose at 55.1 million naman ang second dose kasama na ang single shot Janssen vaccine.

Umabot naman sa 4.915 million ang booster dose na naipamigay.

Pagdating naman sa priority groups, 92.97% na ng A3 o may comorbidity ang fully vaccinated, habang 91.96% naman ng A1 o medical frontliners.

Hamon pa rin, ani Cabotaje, na mapataas ang bilang ng A2 o senior citizen na mabakunahan. Sa ngayong kasi 70.08% pa lamang ang nakakatanggap ng first dose at 64.39% naman ang fully vaccinated.

Para naman sa pediatric population o mga batang edad 12 hanggang 17, 15.57% na ang fully vaccinated pediatric with comorbidity habang 58.44% naman ang fully vaccinated sa nalalabing populasyon ng mga bata.