Pilipinas, makikinabang sa COVID-19 vaccine na dini-develop ng UK — PH Embassy sa UK

Siniguro ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dini-develop na bakuna sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng aniya’y magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine.

Sabi ni Ambassador Lagdameo, may binitiwan nang pangako ang UK na magkakaroon sila ng allotment ng bakuna para sa mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

Nasa 48 million pounds ani Lagdameo ang pakakawalan nilang finances para sa mga lower income countries gaya natin.

Makatatlong beses na aniya nilang nakapulong ng ASEAN London Committee si Minister of State Nigel Adams ng Foreign Commonwealth and Development Office na may kinalaman sa dini-develop nilang bakuna.

Ayon aniya kay Minister Adams, posibleng sa katapusan ng taon o sa unang quarter ng 2021 ay may bakuna ng “made in UK”.