Pilipinas, makakatanggap pa ng higit 5 milyong bakuna ngayong buwan

May inaasahan pang vaccine delivery ngayong buwan ang National Task Force Against Covid-19.

Kinumpirma ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na may paparating na 1.5 milyong Sinovac vaccines bukas, June 17 at kaparehong volume sa June 24.

Bukod dito, makakatanggap din umano ang Pilipinas ng 2.2 milyong AstraZeneca vaccines na mula sa COVAX facility.

Kung susumahin, tinatayang 5-6 milyong COVID vaccines pa ang inaasahan ng pamahalaan.

Bukod dito, umaasa si Galvez na dumating na rin ngayong buwan ang mga donasyong bakuna ng US at iba pang philanthropic countries, na mula sa reserba nila ng COVID vaccines.