Pilipinas, hinimok na humingi ng tulong sa mayayamang bansa para sa pagpapabakuna ng education sector

Hinimok ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin Jr. ang Inter Agency Task Force (IATF), National Task Force on COVID-19 at education agencies, na humingi na ng tulong sa mga mayayamang bansa para makakuha ng bakuna para sa ligtas na pagbubukas ng klase.

Aniya, maaaring lumapit ang pamahalaan  sa mga bansang Japan, South Korea, Australia, the European Union, Canada, at Estados Unidos para makahingi ng suplay ng COVID-19 vaccines.

Tinatayang aabot sa 35 million na mga estudyante, guro, non-teaching personnel, school clinic staff, school canteens crews, at school buses/transport, ang kinakailangang mabakunahan bago pa man pisikal na magbalik sa mga eskwelahan.

Umaasa naman si Garbin, na ido-donate ng mga mayayamang bansa ang sobrang suplay ng COVID-19 vaccines, upang hindi ito masayang lalo pa at maikli lang ang shelf-life ng bakuna.