Pilipinas, di malayong maging susunod na India kung di magpapatupad ng lockdown

Nanindigan si NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kailangan talagang magpatupad ng mahigpit na lockdown

Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Galvez, mahirap at masakit na desisyon ang pagsasailalim muli ng National Capital Region (NCR) sa enhanced community quarantine (ECQ), ngunit kung hindi ito gagawin ay hindi malayong matulad ang bansa sa India at Indonesia.

Kailangan din aniya na i-contain muna pansamantala ang mga tao, dahil marami pa rin ang hindi sumusunod sa pagsusuot ng mask.

Delikado aniya ito, lalo at ang mas nakakahawang Delta variant ay 1,000 mas maraming virus particles kumpara sa orihinal na variant.

Batay din aniya sa pulong nila ng business sector, kung hindi mapipigil ang transmission ay posibleng hindi makabawi ang ekonomiya ng bansa sa 4th quarter.