Pilipinas at China, nais na magkaroon ng kasunduan sa agrikultura

Malugod na tinanggap ni Agriculture Secretary Manny Piñol si Hunan Province Governor Xu Dazhe ng China nang mag-courtesy call ito sa Department of Agriculture (DA) central office sa lungsod Quezon.

Sa nasabing pagkikita, inihayag ni Piñol ang kanyang interes sa posibleng “areas for cooperation” sa agrikultura sa pagitan ng Hunan province at ng Pilipinas sa pamamagitan ng DA.

Bubuo ang kalihim ng isang pangkat ng mga eksperto at grupo ng mga magsasaka upang pangasiwaan ang assessment ng joint projects sa hinaharap.

Inihayag ni Governor Dazhe ang interes para sa kooperasyon sa food processing, agri-fishery at pagdevelop ng bagong hybrid rice varieties.

Ang gobernador ay nasa bansa para sa limang-araw na pagbisita upang magtatag ng communication at cooperation sa pagitan ng Hunan at ng lalawigan ng Oriental Mindoro. | ulat ni Ched Oliva