PHIVOLCS naglabas ng tsunami alert pagkatapos ng malakas na lindol sa Gov. Generoso, Davao Oriental

Pinalikas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente na nakatira sa mga baybaying dagat sa Davao region at kalapit lugar nito matapos ang malakas na lindol na tumama kaninang alas-11:39 ng umaga sa Gov. Generoso Davao Oriental.

Sa inilabas na tsunami alert no.1 ng PHIVOLCS, inaasahan na magkaroon ng minor sea disturbances o pagtaas ng tubig dagat ng hanggang isang metro mula sa normal level nito ilang minuto matapos ang pagyanig.

Ilan sa mga coastal areas na posibleng maaapektuhan ng pagragasa ng tsunami waves ay ang Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Davao City, Saranggani, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Bandang alas-11:39 kanina ng yanigin ng magnitude 7.1 earthquake ang lalawigan.

Natunton ang sentro ng lindol sa 168 km south ng Governor Generoso at may lakas na magnitude 7.1.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 49 kilometers.

Dagdag pa ng PHIVOLCS asahan pa raw na magkaroon pa ng mga aftershocks magkatapos ng naitalang malakas na pagyanig.  | ulat ni Rey Ferrer