Philippine Coast Guard General Hospital Act, nilagdaan na ng Pangulo

Magkakaroon na ng sariling pagamutan ang Philippine Coast Guard (PCG).

Sa bisa ng Republic Act no. 11372 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, itatayo ang isang ospital na hindi lang para sa mga empleyado ng PCG, kundi para din sa mga dependent nito, at maging sa mga retired uniformed personnel.

Itatayo ang ospital na tatawaging Philippine Coast Guard General Hospital, sa Coast Guard Base sa Lower Bicutan, Taguig.

Layon ng Philippine Coast Guard General Hospital Act, na mabigyan ng mura at de-kalidad na health care ang mga PCG personnel, ganundin ang kanilang dependents at mga retiradong miyembro nito.

Kaugnay nito, ay inaatasan ng batas ang Department of Transportation (DOTr) na isama sa kanilang programa ang paglalaan ng kaukulang pondo para sa itatayong pagamutan at maisama na ito sa kanilang budget sa 2020.