Philippine Army, itinangging kinukupkop nila si Palparan 

Tahasang itinanggi ng Philippine Army na kinukupkop nila si convicted ex-General Jovito Palparan.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Villanueva, sa katunayan ay handa na silang ilipat sa New Bilibid Prison (NBP) ang dating heneral mula sa Army Custodial Center.

Ito’y alinsunod sa kautusan ni Malolos RTC Branch 15 Judge Alexander Tamayo, na makukulong ng habang buhay sa NBP ang dating heneral dahil sa pangingidnap sa dalawang UP students.

Ayon kay Villanueva, hinintay lang nila ang commitment order galing sa Korte bago ilipat ng piitan si Palparan, na nasa kanilang kustodiya mula 2014.

Tiniyak ni Villanueva na sa oras na matanggap nito ay agad din nila itong ipapatupad.

Una nang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ngayong araw ililipat si Palparan sa NBP, batay sa ipinarating na impormasyon sa kanya ng AFP chief of staff.  | ulat ni Leo Sarne