Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, nasa Pilipinas na

Kinumpirma ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na dumating na dito sa pilipinas kagabi si Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

Ang pag-uwi ni Mauro ay bahagi ng imbestigasyon tungkol sa diumano’y pang aabuso nito sa kanyang Filipino household staff.

Umaasa si Go na magkakaroon ng imaprtial investigation tungkol sa naturang usapin ang Department of Foreign Affairs (DFA), na nakabase aniya dapat sa mga ebidensya at hindi maiimpluwesyahan ng public statement pabor o hindi sa ambassador.

Kaya naman dapat aniyang bantayan nating lahat ang imbestigasyon na ito at tiyakin na mapanaggot ang dapat managot.

Muli ring pinaalala ng senador ang trabaho ng isang public servant, lalo na ang isang ambassador na ito ay ang protekthan ang bawat Pilipino at dapat na maging tamang ehemplo sa ating mga kababayan.

Binigyang diin rin ng mambabatas na mahalaga na mapangalagaan ang kapakanan at buhay ng ating mga kababayan sa loob at labas ng Pilipinas.

Walang sinuman aniya ang may karapatan na mang-abuso o manakit ng kapwa nating Pilipino.