PhilHealth, pinagbabayad na sa kanilang utang sa mga ospital sa North Luzon Quadrangle

Nagkaisa ang mga miyembro ng Special Committee on North Luzon Quadrangle na pagtibayin ang resolusyon na mag-oobliga sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ang utang sa mga ospital sa Regions 1, 2, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa naging briefing ng komite, sinabi ni PhilHealth Area Vice President Walter Bacareza na tina-target na ng ahensya na mabayaran ang lahat ng unpaid claims mula Enero hanggang Mayo sa loob ng 60 araw.

Mula January hanggang May 2021, nasa 1,618,171 ang kabuuang claims na natanggap ng Philhealth mula Regions 1, 2, 3-A, 3-B, at CAR.

Ipinunto naman ni Isabel Representative Antonio “Tonypet” Albano na may discrepancy sa report ng PhilHealth at numero na isinumite mismo ng mga ospital sa kanyang tanggapan.

Ayon naman kay Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) President Dr. Rene de Grano, sa nakalipas na 14 na buwan, wala pang isang porysento ng lahat ng COVID-19 claims sa mga pribadong ospital sa buong bansa ang nabayaran ng PhilHealth.

Muling magsasagawa ng pagdinig ang naturang komite sa susunod na linggo para sa update ng pagbabayad sa unpaid claims ng mga ospital.