Phil. Red Cross may paalala sa mga indibidwal na nakakumpleto na ng kanilang bakuna

Pinaalalahanan ng Philippine Red Cross ang mga nakakumpleto na ng 2 doses ng kanilang bakuna na mag-ingat pa rin at sumunod sa mga health protocol.

Ayon sa Phil. Red Cross pinipigilan lamang ng bakuna ang malalang kaso ng COVID-19 pero pwede pa ring mahawa at makahawa ng naturang virus.

Dahil diyan, ay kailangan pa ring ugaliin ang paghuhugas ng mga kamay, pagsuot ng face mask at face shield, at magpasuri o magpa-test kung may nararamdamang sintomas.

Pinaiiwas din ng PRC ang mga fully vaccinated na indibidwal sa mga mataong lugar, kung saan hindi na nasusunod ang social distancing.