PH Red Cross, tumugon sa ilang pangangailangan ng PGH

Tuloy-tuloy na nakaalalay ang Philippine Red Cross (PRC), sa ilang pangangailangan ng UP-Philippine General Hospital, matapos masunugan nitong Linggo.

Ayon kay PRC Chair at Senator Richard Gordon, bukod sa pagresponde sa nangyaring sunog, nag-deploy din ang organisasyon ng 32 staff at volunteers na may dalang mga self-contained breathing apparatus, para sa mga nangangailangang pasyente.

Tumulong din ang PRC sa pag transport ng ilang mga pasyente, kabilang na ang isang cancer patient na inilipat sa Manila Doctors Hospital.

Ipinag-utos din ni Sen. Gordon ang paghahatid ng ram fans, smoke ejectors, portable generator, at bed sheets sa PRC National Headquarters, para agad maalis ang amoy ng usok at mabilis na maayos ang mga nasiramg bahagi ng ospital.