PH Red Cross, nakapagbakuna na ng higit 28,000 indibidwal

Aabot na sa kabuuang 28,691 ang bilang ng mga indbidwal na nabakunahan na sa tulong ng Philippine Red Cross (PRC).

Batay sa PRC vaccination report, 26,623 ang mga nabakunahan sa PRC Bakuna Centers, habang nasa higit 2,000 naman sa mobile vaccine clinics o mas kilala rin bilang bakuna buses.

Kaugnay nito, umaasa naman si PRC Chairperson at Senator Richard Gordon, na mapagbibigyan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang hirit nito sa pamahalaan na magkaroon ng steady supply ng bakuna ang organisasyon.

Aniya, mayroon na itong naitalagang dagdag na 23 vaccination centers sa buong bansa, at nakapag-deploy na rin ng 1,110 staff at volunteers bilang vaccinators.

Punto ni Gordon, handa ang PRC na tumulong sa gobyerno upang mapabilis ang vaccination rate sa bansa.

Kaugnay nito, tina-target naman ng senator na magkaroon ng 12 vaccination centers sa Metro Manila at 103 pa sa provincial chapters ng Red Cross.