PH Red Cross, binuksan ang ika-9 na bakuna center sa Tarlac

Pinalawak pa ng Philippine Red Cross (PRC) ang COVID-19 vaccination drive nito sa labas ng National Capital Region (NCR), sa pagbubukas ng ika-9 nitong bakuna center sa Tarlac City.

Matatagpuan sa Tarlac Citywalk Mall ang bagong PRC Bakuna Center, na kauna-unahan sa labas ng Metro Manila.

Ayon sa PRC, nakipag-partner ito sa mga doktor ng Tarlac Medical Society para sa dry run, kung saan unang binakunahan ang nasa 40 frontliners at pamilya nito.

Pormal namang magbubukas ang bagong Bakuna Center sa susunod na linggo, na magseserbisyo simula sa susunod na linggo tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.