PH Dragon Boat Team, wagi ng silver at bronze medals sa Thailand

Nagwagi ang Philippine Dragon boat team ng silver at bronze medal sa kakatapos na 14th International Dragon Boat Federation World Championship sa Pattaya Thailand.

Ayon kay Lt Col Harold Cabunoc, ang team manager ng Philippine Dragon Boat team
ang silver medal ay nakuha nila sa kategoryang Small Boat 200 meter seniors.

Habang ang Bronze medal ay nasungkit nila sa kategoryang 2000 meters event nitong August 21.

Sa kabila ng hindi pagkamit ng gintong Medalya sa pagkakataong ito, sinabi ni Lt Col Cabunoc, na ipinamalas ng Philippine Dragonon Boat team ang kanilang “do o die attitude”.

Ang team ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF), ay binubuo ng 24 na sundalo, 2 airmen at 5 civilian athletes.

Matatandaang noong 2011, limang gold medal ang naiuwi ng Philippine dragon boat team, sa ginanap na world championship sa Florida.

Habang Dalawang gold medal naman ang kanilang napanalunan sa World Club Crews Dragon Boat Championships, sa Italy noong 2014, at 4 na ginto sa Australia noong 2016.