Pfizer vaccine, ginagamit na sa Muntinlupa City

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na gamitin ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech ngayong araw.

Itinurok ang mga bakuna sa major vaccination sites ng lungsod partikular sa SM Center Muntinlupa, Ayala Malls South Park, at Filinvest Steel Parking.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, dahil sensitibo ang Pfizer ay uubusin nila ang bakuna hanggang May 18.

Nasa 7,020 doses ng Pfizer vaccine ang ibinahagi ng national government sa Muntinlupa.

Bago ang aktwal na pagbabakuna ay nagkaroon ng simulation ang city government para paghandaan ang pag-administer sa Pfizer.

Samantala, magpapatuloy naman ang pagbabakuna sa regular vaccination sites para sa second dose ng medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidity.