Petition na Writ of Mandamus, inihain sa Korte ng consumer protection groups para maipatupad ang Toy and Game Safety Labeling Law

Nagpasaklolo na sa Korte ang Consumer Protection and Environmental Health Groups para mailabas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10620 o Toy and Game Safety Labeling Act.

Kasama ang Laban Konsyumer, Inc. sinabi ni EcoWaste Coalition petitioner Rene Pineda, na naghain na sila ng writ of mandamus sa Quezon City Regional Trial Court para atasan ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) na mag-isyu na ng IRR.

Itinaon ng grupo ang pagsasampa nito sa Korte kasabay ng paggunita ng Consumer Welfare Month ngayong buwan at International Lead Poisoning Prevention Week mula Oktubre 21 hanggang 27.

Naging batas ang panukala noong 15th Congress pa at malinaw na iniuutos nito sa DTI at DOH na magbalangkas ng IRR.

Limang taon nang delay ang pagpapalabas ng IRR na malinaw na ipinagkait sa mga konsyumer na maka-access sa vital product labeling information.

Makakatulong ito sa mga konsyumer sa pagpili ng ligtas at hindi angkop na mga bilihin na mga laruan. | ulat ni Rey Ferrer

Photo by: Ecowastec Coalition Blogspot.com