Permanent validity ng birth, death, at marriage certificate, pinagtibay sa Kamara

Sa botong 199-Affirmative ay lumusot na sa Kamara ang panukala na nagbibigay ng permanenteng bisa sa live birth, marriage, at death certificates.

Batay sa House Bill 9175 o ang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act, magiging permanente na ang bisa ng Certificates of Live Birth, Death, at Marriage na inisyu, nilagdaan, sinertipikahan at pinatotohanan ng mga tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA), Local Civil Registry Offices, at ng National Statistics Office (NSO).

Ibig sabihin, hind na kakailanganin ng isang aplikante o indibidwal na kumuha pa ng updated na certification kung mayroon namang malinaw na kopya nito.

Makakabawas na rin ito sa gastos sa madalas na pagkuha ng mga nabanggit na certificates at para hindi na rin mahirapan sa pagkuha nito ang mga nasa malalayong lugar.