Pelikulang ‘Si Chedeng at si Apple’ kalahok sa Far East Film Festival sa Italy; Jessie J, grand champion sa Singer 2018

Kabilang ang pelikulang ‘Si Chedeng at si Apple’ nina Fatrick Tabada at Rae Red sa mga kalahok para sa 20th Far East Film Festival sa Udine, Italy.

Sa katunayan malakas umano ang laban para magawaran ng parangal ang mga bumidang aktres dito na sina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa.

Sobrang honored naman ang pakiramdam ng buong produksyon dahil sa pagkakasama ng kanilang pelikula sa prestihiyosong film festival.

Bukod dito, dalawang iba pang Pinoy films ang tampok sa Festival: ang ‘Smaller and Smaller Circles’ ni Raya Martin at ‘Ang Larawan’ ni Loy Arcenas.

Sa ibang balita, itinanghal na grand champion sa Singer 2018 sa China ang British singer na si Jessie J.

Pinahanga ni Jessie hindi lang ang kaniyang mga fans kundi maging ang mga hurado sa kaniyang bersyon ng Whitney Houston hit na “I Will Always Love You.”

Si Jessie din ang kauna-unahang nanalong contender sa kompetisyon na hindi taga-Asya. | via Eunice Garcia-Langcauon