Pederasyon ng urban poor, itatatag ng PCUP

Magtatatag ng pederasyon ng urban poor ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Layon nitong mapagkaisa, mapalakas ang komunidad ng mga maralita at mapabilis ang pag-abot sa mga serbisyo ng gobyerno.

Sinabi ni PCUP Chairperson Alvin Feliciano, na nais nilang maabot ang probinsiyang bihira lamang mabigyan ng mga serbisyo.

Para sa Urban Poor Federation, target na magkaroon ng kinatawan mula sa bawat barangay na kokonekta sa munisipalidad ng bawat lungsod hanggang sa national government.

Bukod sa mga programang maaaring i-avail, ang bawat kinatawan din ang magpaparating ng ano mang isyu o mungkahi na makakatulong sa kanilang kabuhayan at iba pa.

Kaugnay nito ay nakatakdang makipag-ugnayan ang PCUP sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang organisasyon para marinig ang kanilang suliranin at suhestyon at agarang malapatan ng solusyon.