Peace & dev’t programs sa CARAGA Region para sa pagpapatupad ng localized peacetalks, inaasahang masi-selyuhan sa susunod na buwan

Inaasahan ang isang covenant signing sa susunod na buwan para sa 80 pilot barangays sa CARAGA Region, kabilang ang mga kinatawan ng civil society organizations at pribadong sector na pangungunahan ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles na siyang tumatayong head ng Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS), layunin nitong maselyuhan ang commitments ng lahat ng stakeholders para sa ikatatagumpay ng localized peacetalks.

Nagpresinta sa kalihim ng kanilang mga outputs ang mga participants sa ginanap na pagpupulong sa Surigao City.

Bahagi ng kanilang outputs ang mga plano para sa peace and development projects sa kani- kanilang mga lugar.

Binigyang-diin ng kalihim na dapat maipatupad ng member-agencies ang kani-kanilang assignments, at kailangang nakalinya ang mga programang ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba ang peace and development programs sa mga probinsiya, lungsod, munisipyo at barangay level.