Peace Covenant nilagdaan na ng mga guro, Comelec, PNP at iba pang stakeholders para sa maayos na halalan sa Lunes — Alliance of Concern Teachers

Aminado ang Alliance of Concerned Teachers na nagdadalawang-isip ang mga guro na magsilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes, Mayo 14.
 
Noong nakalipas na eleksyon kasi ay maraming guro na nagsilbing Board of EIection Inspectors ang dumanas ng pananakot, panggigipit at kinasuhan.
 
Ayon kay Chris Navales, Board of Director ng ACT-QC, para maiwasan ito, lumagda na sa isang peace covenant ang mga guro, mga kandidato, mga kinatawan mula sa Comelec, PNP, at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
 
Layon nito na matiyak ang maayos,mapayapa,tahimik at tapat na eleksyon sa Lunes lalo na sa ilang barangay na itinuturing nila na magiging mainit ang pagdaraos ng eleksyon.
 
Maliban sa Roxas District, may nakakasa ring Covenant signing sa Melencio Castello sa Payatas A, Barangay Pasong Putik, Barangay Batasan at Apolonio Samson at iba pang lugar sa Metro Manila. | via Rey Ferrer