PDRRMO sa Davao De Oro, naghahanda na matapos isailalim sa signal no. 2 dahil sa bagyong Crising

Nakaalerto na ngayon ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Probinsya ng Davao de Oro, matapos isailalim sa signal number 2 ang lugar, dahil sa tropical depression Crising.

Kaugnay nito, ayon kay Joseph Randy Loy, head ng PDRRMO ng Davao de Oro, nagsimula na silang mag-monitor sa lagay ng panahon sa kanilang area of responsibility.

Kabilang din sa kanilang pinaghahandaan, ang ibibigay na ayuda sa mga residente na posibleng maapektuhan ng pagbaha at landslide, na maaaring idulot ng bagyo.

Dagdag ni Loy, nakahanda na rin ang mga evacuation center para sa mga residente, lalong-lalo na ang mga nakatira sa landslide prone areas at gilid ng ilog na ililikas, upang makaiwas sa epekto ng malakas na ulan.